Thursday, May 8, 2008

[LP: Mahal na Ina]

Sana'y di magmaliw
ang dati kong araw
Nang munti pang bata
sa piling ni Nanay;
Nais kong maulit
ang awit ni Inang mahal,
Awit ng pag-ibig
habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog
na labis ang himbing,
Ang bantay ko'y tala
tanod ko'y bituin;
Sa piling ni Nanay
langit ang buhay,
Puso kong may dusa
sabik sa ugoy ng duyan.

Naiiyak ako pag naririnig ko ang kantang yan patungkol sa ating mahal na ina, hindi ko alam kung bakit pero damang-dama ko ang pagmamahal na kalakip ng awiting iyan. Lalo ko tuloy nami miss ang nanay ko. Nitong mga nagdaang araw kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata, dahil sa maagang pagpanaw ng aking ama, ang lagi nyang sinasabi "nami-miss ko ang tatay mo" gusto nang tumulo ng aking luha pero pilit ko yun tinatago sa kanya dahil alam kong lalo lang bibigat ng nararamdaman nya, kelangan kong maging malakas para sa kanya, lalo na sa mga ganitong pangyayari sa aming buhay.

Napakagandang pagkakataon ito para makapagpasalamat tayo sa ating mahal na ina o magulang, sa lahat ng mga pag-aaruga, pag-alala at walang kapantay na pagmamahal na iniukol nila sa atin simula ng tayo'y isilang sa mundo hanggang sa mga oras na ito. Salamat, NANAY! hindi man ako naging perpektong anak para sayo alam kong alam mo kung gaano kita kamahal. MALIGAYANG ARAW NG MGA INA. I LOVE YOU! (singhot)... naiiyak ako, hindi ko mapigilan *hihi*



Free Image Hosting at www.ImageShack.us

21 comments:

ces said...

katuwa naman ang litratong iyan...at maganda ang awit na yan...nakakaiyak..

lidsÜ said...

ang ganda ng kuha ng iyong ina... at gustong-gusto ko ang nakasulat na: 'a mother's heart speak without words.'

magandang huwebes sa'yo!

cathy said...

gusto ko rin yung caption mo, parang ung comment ko kay ms pinky.. ang mga nanay, kahit hindi magsabi, nararamdaman ng mga anak ang labis nitong pagmamahal sa kanila =)

Dyes said...

ang cute naman ng ina mo :)

seriously, siguro nga ay ito ang mga panahon na nararapat na suklian mo ang pag-aarugang ginawa nya sa pamamagitan ng pagiging available para sa kanya. mahirap mag-isang muli kung nasanay na na merong kabiyak sa buhay.

ScroochChronicles said...

ako din naiiyak sa kantang yan :)

julie said...

Masaya ang larawang iyan, kahit nakakaiyak ang awitin. Ayan, naiiyak tuloy ako. Pramis.

Maagang pagbati para sa araw ng mga ina para sa iyong ina, Yette.

Linnor said...

Wow, model ba dati si momsy? Natural na natural sa cam eh.

bluepanjeet | OTWOMD™ said...

ang awit na yan ay napakagandang pakinggan.. ugoy ng duyan ang titulo nyan kungdi ako nagkakamali. Maagang Pagbati sa iyong Ina sa araw ng mga Ina.

iska said...

nakakahawa ang ngiti ng yong ina :-) parang napakasarap nyang kasama at kausap...

Vera said...

hahaha. ang ganda ng mader mo!

chinois972 said...

Alam mo, Yette, isa rin yan sa mga paborito kong awitin! Akmang-akma kasi ang mga kataga sa musika at talagang nakaka-"senti"...parang gusto kong yakapin ang nanay ko tuwing naririnig ko ito :)

Happy Huwebes sa iyo!

Dragon Lady said...
This comment has been removed by the author.
Dragon Lady said...
This comment has been removed by the author.
Dragon Lady said...

hi ettey, salamat sa iyong pagbisita! nakakaaliw naman ang litrato nang iyong ina. :D

(sensya na po at nabura ko ang nauna kong komento ~ nag-double post po kasi tapos ayun, biglang nawala pati yung isa)

Teys said...

kyut ni mommy, happy talaga sya :)

happy mothers day!

sardonicnell said...

kisses to your mom... may she remain strong and steadfast. happy mothers day!

kaje said...

nakakaiyak ng ayang kanta na iyan, ayan kinikilabutan na ako hehehe

kahit na malungkot ang nanay mo, ang kulet naman ng litrato niya hehe

leapsphotoalbum said...

Nakakatuwa naman ang litrato ng iyong ina... mukhang masayahing tao siya... huwag kang mag-alala, hayaan mo lang na ang nanay mo ay umiyak at lumuha para sa iyong yumaong ama dahil kapag natapos na siyang magluksa ay siguradong babalik muli ang kanyang mga ngiti.

mousey said...

talaga naman photogenic si mamy!

magaling!

Horsoon said...

Although I don't understand the poem, I'm sure it's sweet and touching. A happy Mothers' Day to everyone. :)

MommyBa said...

Nakakaiyak nga ang awit na yan. Batang-bata ako nung una kong marinig yan. Si Lea Salonga pa nga ang kumanta.

ganda ng kuha!!!!!

ME...MYSELF and MINE

My photo
Philippines
I'm single and I love it! :D

    [today i'm feeling...]

    My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

    [my flickr photos]

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos from ettey. Make your own badge here.
    www.flickr.com

    From Chuck ^_^

    From Chuck ^_^

    ~ litratong pinoy ~

    ~photo hunters~

    ~photo hunters~

    ~ weekend snapshot ~

    ~wordless wednesday~

    ~wordless wednesday~

    header credit

    alphas from shabbyprincess's promise collection.