LOL! ang sagwang pakinggan, pero!subalit!datapwat!ngunit! wala akong maisip na magandang titulo kaya hayaan nyo nalang ako sa konting kalokohang ito. Hindi ako nakasali noong nakaraang 2 linggo kasi tinamad ako...pagkatapos kong maglamyerda sa Cebu, bukod pa sa kabagalan ng takbo ng utak ko dahil hindi ako makaisip ng magandang larawan para sa pag-iisang dibdib. Wala kasi akong hilig dumalo sa mga ganyang kasalan o pag-iisang dibdib...kaya siguro hanggang ngayon wala pa rin akong kaisang dibdib haha!!! anyway, bago pa ko makalimot at magkwento ng kung ano-ano eto na pong pahabol kong larawan para sa kalayaan.
Siguro naman kilala nyo sya... si Gen. Douglas Mc Artrhur. “ I Shall Return” ang drama ni Gen. Douglas Mac Arthur noong 1942 bago sya umalis ng Pilipinas noong panahon ng WW2. Inilipat siya ni Pres. FD Roosevelt somewhere in the Pacific. Nguit nagbalik si sya bilang leader ng mga sundalong amerikano noon 1944 upang tuparin ang kanyang pangako at pinalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga hapon.
heto naman si Itay. Gusto ko sanang ilagay ang litrato ng tatay ko kaso baka multuhin na ako nun sa sobrang exposure nya... camera shy pa naman sya. Kaya etong si Father na lang. Yan na ang pinakamagandang shot na ninakaw ko sa kanya habang nagsasaboy sya ng tubig sa mga sasakyan... Nagpunta kami sa simbahan ng Manaoag sa Pangasinan para lang magpasaboy ng tubig sa aming sasakyan, kumusta naman yun? ^_^ hulaan nyo kung sino sya?
18 comments:
bagamat kontrobersiyal, isang magiting na sundalo si MacArthur...
stolen shot pala ang kay Father ng Manaoag... naikumpisal mo na ba 'yan?
maganda ang iyong naibahagi...magandang Huwebes!
@betchay... nde pa haha! dibale pagbalik ko dun sabihin ko sa kanya na ninakawan ko sya ng larawan, pero wag syang mag-alala kasi nde naman kita ang mukha nya... i'm sure Father will understand and forgive me :D:P
ok ang entry mo, parang 2 in 1! :) happy huwebes!
kwela hehehe....
at least hindi tulad ng aming entry seryoso hehehe...
kaiba... magaling !
hehehe parehas pala tayong nahuli sa entry ng kalayaan!
ayus sa tatay, si Father ang kinunan! hehehe
naku, di kaya magalit si father sa stolen shot na yan? he he. joke lang.
Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)
sana ay makapasyal ka. happy lp!
naiisip ko lang, siguro napabuti ang pinas kung nanatili si mac arthur sa pilipinas at di naatasang mapunta sa japan.
haha im glad you had fun in cebu. happy thursdayÜ
photo medley pala ito :) pero puede na din sa itay na tema si mcarthur. :D
si fr. sonny!? haha! sabi ko na nga ba't kilala ko ang hagdanan na iyon:) para na rin akong nakadalaw sa simbahan ng Manaoag:)
buti na lamang at nakahabol ka... akala ko ng una ay ama mo si Mc Arthur...hehehe.
Maligayang LP!
gustong makita ng personal ang mga estatwa sa unang litrato...bakasyon ang ibig sabihin noon! :)
Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
di ko pa napuntahan yang si 'mc arthur'.... :)
Ayos, 2-in-1 pero ok pa din ang pagkakasama nila :)
haha! naaliw ako sa pambungad mo ettey.
Naku ayan nagkasala ka tuloy kay father, pinaparazzi mo siya. lol!
Nice pictures ettey...ang tikas pa rin ni Douglas...hmmm, di siya tumatanda diyan ha. lol!
mukhang kumikislap sa kaputian si father. parang may sinag ng kaluwalhatian at kapayapaan :-)
O cool, mala HDR effect etong litrato mo . . . I've been to this place several times (McArthur Park)
Post a Comment