Thursday, June 26, 2008

[LP: PAG-AARAL]


Ang pag-aaral daw sa panahon ngayon ay isa nang prebilihiyo (privilege) para sa mga kabataan, lalo na sa pamilyang hirap sa buhay. Masakit isipin na may mga kabataang nais mag aral pero hindi man lang makatungtong sa eskwelahan dahil kailangan maghanap-buhay kahit na sa murang gulang. Nakakainis makitang ang mga magulang ang nasa bahay samantalang ang anak ang naghihirap sa pagtatrabaho para lang may maiuwing pambili ng pagkain sa araw-araw.... uyyy medyo madrama ito! Ang daming pwedeng sabihin tungkol sa temang ito pero since tamad ako hindi ko na lang pahahabain hehehe... Masasabi ko lang na maswerte ako dahil kahit medyo hirap ang buhay namin noon eh kahit papaano naitaguyod ako ng magulang ko na makatungtong hanggang kolehiyo... di ko nga lang pinursige kasi tamad ako.


Kuha to ni Kc habang abala sa pag guhit. Excited ako kasi next school year mag-aaral na sya. Kaya ngayon pa lang tinuturuan ko na sya para lumaki syang matalino gaya ko! LOLSS!!



Free Image Hosting at www.ImageShack.us

26 comments:

Anonymous said...

Tama ka dyan, Ettey, talagang pribilehiyo na lang ngaun ang pag-aaral. Dito na lang sa lugar namin napakaraming kaedad ko ang di nakatuntong ng kolehiyo dahil di kaya ng magulang nila ang tuition fees. Malaking pasasalamat talaga sa mga magulang natin na naitaguyod tayo at napagtapos nang maayos hanggang kolehiyo :)

Maligayang Huwebes!

Anonymous said...

Sayang din ang mga may utak pero hindi magamit. Sa sobrang mahal ng matrikula eh marami ang hindi na nakakatapos.

Anonymous said...

mukhang gulong gulo ang kanyang isipan sa pag-iisip dahil pati buhok nya ay gulong-gulo :)

Anonymous said...

ang ganda ng kuha...dramatic! maswerte ngang tunay ang mga batang nakakapag-aral ng maayos at may gumagabay sa kanilang pag-aaral.

Anonymous said...

nakakatuwa ang konsentrasyon ni KC :)

 gmirage said...

Oo nkakalungkot mang isipin ay di lahat nakakapag-aral.

Meron isa pang uri ng pgaaral, yoong sa disiplina na sana nga lang may time din ang mga magulang na magturo pero minsan kasi busy na din...

Di mo maiistorbo si Kc sa ganyang itsura nya, seryoso...

lidsÜ said...

ang ganda ng pagka-kuha... love it!
magangdang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

agree ako sa yo! sobrang taas ng matrikula habang bumababa ang antas ng kalidad ng mga eskwelahan.

btw, ganda peechur!

Anonymous said...

oo nga, magiging kasing talino ni mother - ang tindi naman ng pagka intense sa pagguhit :)
salamat sa pagbisita sa blog ko!

happy lp!

ang aking lahok:
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/

Anonymous said...

ganda naman ng kuha na yan. parang bagong ligo pa si ineng :-)
pwede syang sabayan ng aking anak sa pag guhit...

etteY said...

@iska... tama po bagong ligo sya, nagulat nga ako eh di pa sya nakakasuklay kinuha nya na ang maliit na librong pati na yung lapis nya at saka pumuwesto ng ganyan hehe!

Marites said...

oo nga, kahit pa anong sabihin ng gobyerno na libre ang haiskul at elementarya. sa kamahalan ng gamit pang-eskwela ngayon, talagang pribilehiyo na ngayon ang mag-aral.

Anonymous said...

Wow, seryoso siya ha. Tiyak matalino nga!

Pete Erlano Rahon said...

nice shot, wag lang tatamarin kumuha ng foto every LP ha, hehehhe

Anonymous said...

Pribelehiyo nga talaga. Sana'y mas sineryoso ko ang aking pag-aaral! Hindi naman ako nagloko pero sana'y masbinigyan ko pa siya ng kahalagahan. :)

Maligayang huwebes!

Anonymous said...

Galingan mo, KC! Sulitin mo naman lahat ng pagod at hirap ni Mama Yette! :)

Jeanny said...

ay sinabi mo pa. marami ang hindi nakakapag aral dahil sa hirap ng katayuan sa buhay Pero para sa akin...kung nais talga me magagawa.

Happy LP sa iyo at happy weekend na rin :)

Jeanny

♥SomethingPurple♥ said...

korek ka dyan ettey! isang pribilehiyo ang pag aaral sa panahong ito.

astig ng kuha mo!

stripeatyellow

Anonymous said...

isang malaking milestone para sa kanya ang pagpasok sa school. relate ako sa excitement mo. :)

Anonymous said...

yette, gusto ko ang larawan! anong camera ang ginamit mo dito?

etteY said...

@jerome aka bridget... salamat!!! sony digital camera lang po ang gamit ko ini enhance ko lang sa photoshop at meron konting actions na na download ko ng libre hehehe! ^_^

Ladynred said...

Ang ganda ng photo! Salamat sa comment!
Scrapbooking and Photography

Anonymous said...

excited talaga tayong mga magulang para sa ating mga anak ano!?

cute nya sa iyong pagkakakuha.

Anonymous said...

hummp..ate mayette..

tama! tama! habang maliit pa ang bata dapat talaga tinuturuan na ito.

at dapat.. hinaghahandaan na ang pang-tuition nito.. nyahahahahaha!! LOl..

Realidad na 'to!

:D

Anonymous said...

ngayon pa lang alam ko ng lalaki syang matalino, kasi gagabayan ng mommy nya bukod pa ng pamantasan na paapsukan nya :)

Hi Ettey, sorry sa late na dalaw ha!

Anonymous said...

hi ettey! i feel priveleged din dahil nakapagaral ako sa magandang iskwela. ito kasi ang isang bagay na pinahalagahan ng mga magulang ko, at parang ikaw, ganun din ako sa anak ko. :)

ME...MYSELF and MINE

My photo
Philippines
I'm single and I love it! :D

    [today i'm feeling...]

    My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

    [my flickr photos]

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos from ettey. Make your own badge here.
    www.flickr.com

    From Chuck ^_^

    From Chuck ^_^

    ~ litratong pinoy ~

    ~photo hunters~

    ~photo hunters~

    ~ weekend snapshot ~

    ~wordless wednesday~

    ~wordless wednesday~

    header credit

    alphas from shabbyprincess's promise collection.