Mithi (Wish) madami ako nun...sa materyal na bagay, sony vaio yung pink ha hehe pa-girl eh, psp para sa pamangkin kong si Jhoanna, Nintendo DS para kay KC, minimithi ko ring puntahan ang Venice sa Italy at sumakay sa Gondola kasama ang boypren habang inaawitan nung mamang bangkero awwwwww sweet kaya nun! pagkatapos lilipad papuntang U.K. para makita ang mga naggagandahang struktura o sa Paris at magpa piktyur tapos background ang Eiffel Tower syempre kasama ko pa rin ang boypren hehe! Libre lang mangarap kaya sinasagad ko na hehehe!! pero sa ngayon simple lang ang gusto ko... yung ganito...
kasama ang boypren habang naglalambingan sa lilim ng puno. Nung makita ko yan, nainggit ako sa totoo lang, kasi hindi ko pa yan nagawa simula nung magkaboypren ako. Simple lang kung iisipin pero puno naman ng pagmamahal diba?! hehehe!! Maligayang Huwebes!!
21 comments:
awwww. swiiiiiiiiiiiiiiiiiiiittttttttt!
naway makamit mo ang iyong mga minimithi
Masdan po ang aking mithi sa lahok ko at gusto ko sang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com
Sa mga bumoto na at ngclick .. boto ulet.. pwede bumoto every 6 hours.. sa mga hindi pa.. please nman oh.. click lng nman eh.. Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.
Hala, 'di pa ginagawa? aba' ano pang hinihintay niyo? Hehehehe, ayain na si boypren:D Alam ko yung Fatima, dun nag-aral yung crush kong binalak kong ligawan, hahaha:D Narito ang aming lahok, Aking tala.
sweeeet naman! san na ba si boypren? hilahin mo na at punta na sa ilalim ng puno! hehe... happy huwebes sa iyo.
kung nasa pinas ka, may 3-day weekend tayo ngayon para magawa ang iyong minimithi ;)
walang sukat ang ating mga mithi... simple man ito, makakapagpaligaya pa rin.
Ok lang yun kung hindi pa nakaupo sa ilalim ng puno kasama si love :) Ang importante nagmamahalan at tapat sa isa't isa, hanep pa :)
Happy Huwebes, Yette!
nakakakilig!!!!
sana matupad sa darating na lunes wala kasing pasok punta daw kami sa mcarthur's park hehe... gusto ko sa eksaktong lugar kung san nakaupo ang magsing-irog na yan... :D
Napaisip din tuloy ako...hindi rin pala namin nagawa ni darling ko ang ganyan.haha.
Oo nga libre naman mangarap kaya itodo na. :D
Haaayy... ako man ay nainggit. wala akong boypren kaya di ko yan minimithi, pero malamang pag nagkaroon, ililista ko rin yan sa mga mithi ko.
Ang aking minimithi ay mababasa DITO.
ayy,, hindi ko rin nagawa yan.....
habang wala pang pananagutan sa buhay,, masarap ang mag lambingan kasama ang boypren sa parke,, pero pag may asawa at mga anak na,, marasap pa rin amg enjoy kasama ang mag bate sa parke,, peo ibang klaseng lambingan na...
eto ang aking lahok http://aussietalks.com
awwwwwwwwww, touch naman ako sa mithi mo.... :) wala akong masabi... :) hmmmmm, baka naman yun din ang mithi ng iyong sinta, di lang nya masabi
Sweet...sana matupad, nabasa na ba to ni boypren if hindi pa i-caht itxt, tawagan at ibigay ang link dito :)
Happy LP
Jeanny
Startin' A New Life
ok yang wish mo, huwag lang kayong papahuli sa pulis at baka sa presinto na ang susunod na lambingan niyo, haha! :)
sana makamit mo ang iyong pink sony vaio, wagi ang pagka-girlash mo if ever! :)
Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds
yeeeha! yan ang tinatawag na mga "priceless moments."
IN TIME, MAKAKAMIT MO RIN ANG IYONG MGA MINIMITHI!
nice... pasensya na at nahuli ako... :)
Ako rin, inggit ako sa kanila! Tara na, yayain na natin ang ating mga partners *lol*
swiiiit! inggit din ako ha sa litratong yan pero nagawa ko na iyan noon. nami-miss ko lang ngayon hhuhuhu! pakitingnan na lang ang aking lahok dito...http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy14-mithi.html
Great shot.
Sweet naman nila ano? Minsan ang mga simpleng bagay sa buhay ay mas naaalala at mas nabibigyan ng importansya.
Post a Comment