Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, October 9, 2008

LP: LUMA NA




A chronological landmark in Palo is the Cathedral which was built in 1596 by Fr. Alonso de Humanes, The Palo cathedral has been rebuilt twice - in years prior to 1897 after damage by fire and tropical storm, and later in 1897 when a big tropical storm unroofed the church, damaged the convent and other houses in the townThe Palo Church was created a cathedral on March 27,1938 when Msgr. Guglielmo Piani, apostolic delegate, carried the papal bull from Rome, proclaimed it and erected the diocese of Leyte, designating Palo as its seat and Msgr. Manuel Mascarinas of Bohol its first bishopInside the patio of this church, enclosed by walls of Spanish stone and adobe, is an open esplanade where formerly Fr. De la Fuente kept his stall of fast native ponies, a zoological compilation of rabbits, turkeys, guinea pigs, a huge python fed with live pullets and a dovecote swarming with white pigeons. This esplanade used to be the people’s rendezvous when escaping from marauding moros in the days of the moro piracy centuries ago. It had also a huge well which provided water for drinking during the long months of dry spells. On the aperture on the Spanish walls is an insignia of the Jesuit order, center of attraction of visiting Jesuits when they come to Palo, indicating that the cathedral and the walls therein were originally Jesuit.


** translation ** ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... LOL! ^_~.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, September 4, 2008

LP: TANSO



Syempre bida na naman ang paborito kong lalake dito sa Tacloban hehe! Sa totoo lang hindi ako sigurado kung gawa nga ang estatwa nya sa tanso pero binase ko na lang sa kulay at saka mukha namang tanso di ba?! LOL!

Tingnan natin kung anong tanso meron ang iba pang kalahok sa litratong pinoy.

Maligayang Huwebes ulet! ^_~




Free Image Hosting at www.ImageShack.us


Wednesday, August 27, 2008

LP: AYAW KO!


Ganito ang drama ni Kc kapag ayaw nyang magpa picture o kaya naiinis na sya at napapagod sa mga pinagagawa ko sa kanya hehehe!! Pero minsan lang yan kasi mas madalas na sya ang may hawak ng camera at naglilitrato ng sarili o sila ng mga kalaro nya.


Ang bilis ng araw Huwebes na agad! Ilang araw na lang 'ber' months na whooooooohooooo!!


Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Wednesday, August 20, 2008

LP: MITHI



Mithi (Wish) madami ako nun...sa materyal na bagay, sony vaio yung pink ha hehe pa-girl eh, psp para sa pamangkin kong si Jhoanna, Nintendo DS para kay KC, minimithi ko ring puntahan ang Venice sa Italy at sumakay sa Gondola kasama ang boypren habang inaawitan nung mamang bangkero awwwwww sweet kaya nun! pagkatapos lilipad papuntang U.K. para makita ang mga naggagandahang struktura o sa Paris at magpa piktyur tapos background ang Eiffel Tower syempre kasama ko pa rin ang boypren hehe! Libre lang mangarap kaya sinasagad ko na hehehe!! pero sa ngayon simple lang ang gusto ko... yung ganito...


kasama ang boypren habang naglalambingan sa lilim ng puno. Nung makita ko yan, nainggit ako sa totoo lang, kasi hindi ko pa yan nagawa simula nung magkaboypren ako. Simple lang kung iisipin pero puno naman ng pagmamahal diba?! hehehe!! Maligayang Huwebes!!




Free Image Hosting at www.ImageShack.us


Wednesday, August 13, 2008

LP:LIWALIW sa CEBU

Larawan ng Basillica de Sto. Nino sa Cebu. Pasensya na kung medyo malabo ang litrato. Kuha ko ito noong minsang nagliwaliw kami ng kaibigan ko sa Cebu nitong nakaraang Hunyo. Perstaym ko nakita ang loob ng simbahan, noon kasing una kming nagpunta dun eh Sinulog Festival sobrang dami ng tao kaya nde na kami nakapasok. Sabi ko noon babalik ako sayang naman kung hindi ko makikita ang loob ng simbahan diba, kaya nung bumalik ako yan ang una naming pinuntahan. Ang ganda... parang gusto ko doon ako ikasal ahihihihi!




Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Wednesday, August 6, 2008

LP: HULI MAN DAW AT MAGALING...

Huli pa din! hehehe... pasensya na sa di paglahok sa litratong pinoy nitong mga nakaraang linggo masyado lang naging abala sa mga bagay-bagay... 'duty calls' kumbaga. Ngayon lang medyo nagkaron ng pagkakataon kaya sinamantala ko na...

Para sa tema ngayong linggo...


AKO!LANG TO!


wala nang iba... Ganito ang madalas kong ginagawa kapag 'break time' na... itaas ang paa at magpahinga... ^_^.


DALAMPASIGAN...


Nakita ko ang batang ito na naglalakad ng nakapaa at may bitbit ng ilang sticks ng sigarilyo sa may gilid ng dagat nung minsang mamasyal kami ng kaibigan ko sa may Leyte Park.
yun lang...
Have a nice day! Stay Happy! and be BEAUTIFUL!!! ^_^.


Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, July 17, 2008

:LP: BERDE:



Berdeng pabango na nabili ko sa tindahan ng mga damit. Maligayang Huwebes po!

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, July 3, 2008

:LP: TATAK NOYPI:


Traysikel. Alam kong meron din nito sa ibang bansa gaya ng Thailand, pero dito sa ating bansa siguro kahit saan ka magpunta meron traysikel haha!! Gaya lang dito sa Tacloban kung saan napakaraming traysikel na nagkalat lalo na sa may bandang downtown. Na kung minsan eh nagiging sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko. May superstar dyan sa piktyur, hulaan nyo kung sino ;) LOL! Maligayang Huwebes!!


Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, June 26, 2008

[LP: PAG-AARAL]


Ang pag-aaral daw sa panahon ngayon ay isa nang prebilihiyo (privilege) para sa mga kabataan, lalo na sa pamilyang hirap sa buhay. Masakit isipin na may mga kabataang nais mag aral pero hindi man lang makatungtong sa eskwelahan dahil kailangan maghanap-buhay kahit na sa murang gulang. Nakakainis makitang ang mga magulang ang nasa bahay samantalang ang anak ang naghihirap sa pagtatrabaho para lang may maiuwing pambili ng pagkain sa araw-araw.... uyyy medyo madrama ito! Ang daming pwedeng sabihin tungkol sa temang ito pero since tamad ako hindi ko na lang pahahabain hehehe... Masasabi ko lang na maswerte ako dahil kahit medyo hirap ang buhay namin noon eh kahit papaano naitaguyod ako ng magulang ko na makatungtong hanggang kolehiyo... di ko nga lang pinursige kasi tamad ako.


Kuha to ni Kc habang abala sa pag guhit. Excited ako kasi next school year mag-aaral na sya. Kaya ngayon pa lang tinuturuan ko na sya para lumaki syang matalino gaya ko! LOLSS!!



Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, June 19, 2008

KALAYAAN NI ITAY


LOL! ang sagwang pakinggan, pero!subalit!datapwat!ngunit! wala akong maisip na magandang titulo kaya hayaan nyo nalang ako sa konting kalokohang ito. Hindi ako nakasali noong nakaraang 2 linggo kasi tinamad ako...pagkatapos kong maglamyerda sa Cebu, bukod pa sa kabagalan ng takbo ng utak ko dahil hindi ako makaisip ng magandang larawan para sa pag-iisang dibdib. Wala kasi akong hilig dumalo sa mga ganyang kasalan o pag-iisang dibdib...kaya siguro hanggang ngayon wala pa rin akong kaisang dibdib haha!!! anyway, bago pa ko makalimot at magkwento ng kung ano-ano eto na pong pahabol kong larawan para sa kalayaan.


Siguro naman kilala nyo sya... si Gen. Douglas Mc Artrhur.

“ I Shall Return” ang drama ni Gen. Douglas Mac Arthur noong 1942 bago sya umalis ng Pilipinas noong panahon ng WW2. Inilipat siya ni Pres. FD Roosevelt somewhere in the Pacific. Nguit nagbalik si sya bilang leader ng mga sundalong amerikano noon 1944 upang tuparin ang kanyang pangako at pinalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga hapon.

heto naman si Itay. Gusto ko sanang ilagay ang litrato ng tatay ko kaso baka multuhin na ako nun sa sobrang exposure nya... camera shy pa naman sya. Kaya etong si Father na lang. Yan na ang pinakamagandang shot na ninakaw ko sa kanya habang nagsasaboy sya ng tubig sa mga sasakyan... Nagpunta kami sa simbahan ng Manaoag sa Pangasinan para lang magpasaboy ng tubig sa aming sasakyan, kumusta naman yun? ^_^ hulaan nyo kung sino sya?

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, May 29, 2008

LP: IHIP NG HANGIN

ang matayog na bandila ng Pilipinas, na animo'y nagsasayaw sa saliw ng tugtuging Lupang Hinirang, LOL!

Ang litratong ito ay kuha ko sa Mc Arthur Park, Palo, Leyte noong minsa'y ako'y napadaan sa lugar. Sa likod ng kinatatayuan ng watawat na yan ay ang sikat na sikat sa Tacloban na si pareng Douglas Mc Arthur kung saan sya nag "i shall return/i have returned". Sa gawing gilid naman nyan ay ang Beach Resort kung saan kayo pwedeng mag stay at mag enjoy sa beach.

Maligayang araw ng Huwebes!

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, May 22, 2008

[LP: Tubig]

'don't go chasing waterfalls, please stick to the rivers and the lakes that you're used to'

Tubig na nagmumula sa Busay Falls na aming pinasyalan mga ilang linggo na ang nakararaan. Napakagandang pagmasdan ng malinis at malamig na tubig na ito. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi masyadong naaalagaan at namimintina ang kalinisan ng lugar. Marahil dahil na rin sa katigasan ng ulo at kulang sa disiplina ng mga taong nagpupunta roon na walang pakundangan sa pagtatapon ng basura at pati na rin ng mga pinagkainan nila.

Maligayang Huwebes po!!




Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, May 15, 2008

[LP: Umaapoy]

dito siguradong aapoy ang dila at uusok ang tenga mo sa sobrang anghang, LOL!! ang aking nag-aapoy sa anghang na entry sa linggong ito! :) maligayang huwebes po sa lahat!



Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Thursday, May 8, 2008

[LP: Mahal na Ina]

Sana'y di magmaliw
ang dati kong araw
Nang munti pang bata
sa piling ni Nanay;
Nais kong maulit
ang awit ni Inang mahal,
Awit ng pag-ibig
habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog
na labis ang himbing,
Ang bantay ko'y tala
tanod ko'y bituin;
Sa piling ni Nanay
langit ang buhay,
Puso kong may dusa
sabik sa ugoy ng duyan.

Naiiyak ako pag naririnig ko ang kantang yan patungkol sa ating mahal na ina, hindi ko alam kung bakit pero damang-dama ko ang pagmamahal na kalakip ng awiting iyan. Lalo ko tuloy nami miss ang nanay ko. Nitong mga nagdaang araw kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata, dahil sa maagang pagpanaw ng aking ama, ang lagi nyang sinasabi "nami-miss ko ang tatay mo" gusto nang tumulo ng aking luha pero pilit ko yun tinatago sa kanya dahil alam kong lalo lang bibigat ng nararamdaman nya, kelangan kong maging malakas para sa kanya, lalo na sa mga ganitong pangyayari sa aming buhay.

Napakagandang pagkakataon ito para makapagpasalamat tayo sa ating mahal na ina o magulang, sa lahat ng mga pag-aaruga, pag-alala at walang kapantay na pagmamahal na iniukol nila sa atin simula ng tayo'y isilang sa mundo hanggang sa mga oras na ito. Salamat, NANAY! hindi man ako naging perpektong anak para sayo alam kong alam mo kung gaano kita kamahal. MALIGAYANG ARAW NG MGA INA. I LOVE YOU! (singhot)... naiiyak ako, hindi ko mapigilan *hihi*



Free Image Hosting at www.ImageShack.us

ME...MYSELF and MINE

My photo
Philippines
I'm single and I love it! :D

    [today i'm feeling...]

    My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

    [my flickr photos]

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos from ettey. Make your own badge here.
    www.flickr.com

    From Chuck ^_^

    From Chuck ^_^

    ~ litratong pinoy ~

    ~photo hunters~

    ~photo hunters~

    ~ weekend snapshot ~

    ~wordless wednesday~

    ~wordless wednesday~

    header credit

    alphas from shabbyprincess's promise collection.