
LOL! ang sagwang pakinggan, pero!subalit!datapwat!ngunit! wala akong maisip na magandang titulo kaya hayaan nyo nalang ako sa konting kalokohang ito. Hindi ako nakasali noong nakaraang 2 linggo kasi tinamad ako...pagkatapos kong maglamyerda sa Cebu, bukod pa sa kabagalan ng takbo ng utak ko dahil hindi ako makaisip ng magandang larawan para sa pag-iisang dibdib. Wala kasi akong hilig dumalo sa mga ganyang kasalan o pag-iisang dibdib...kaya siguro hanggang ngayon wala pa rin akong kaisang dibdib haha!!! anyway, bago pa ko makalimot at magkwento ng kung ano-ano eto na pong pahabol kong larawan para sa kalayaan.

Siguro naman kilala nyo sya... si Gen. Douglas Mc Artrhur. “ I Shall Return” ang drama ni Gen. Douglas Mac Arthur noong 1942 bago sya umalis ng Pilipinas noong panahon ng WW2. Inilipat siya ni Pres. FD Roosevelt somewhere in the Pacific. Nguit nagbalik si sya bilang leader ng mga sundalong amerikano noon 1944 upang tuparin ang kanyang pangako at pinalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga hapon.
heto naman si Itay.
Gusto ko sanang ilagay ang litrato ng tatay ko kaso baka multuhin na ako nun sa sobrang exposure nya... camera shy pa naman sya. Kaya etong si Father na lang. Yan na ang pinakamagandang shot na ninakaw ko sa kanya habang nagsasaboy sya ng tubig sa mga sasakyan... Nagpunta kami sa simbahan ng Manaoag sa Pangasinan para lang magpasaboy ng tubig sa aming sasakyan, kumusta naman yun? ^_^ hulaan nyo kung sino sya?